DA, tiniyak na may sapat na bigas upang isustine ang P20 bigas program sa transport sector

Tiniyak ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na sobra-sobra ang suplay ng National Food Authority (NFA) rice sa kani-kanilang mga warehouse.

Aniya, kailangan na nilang maglabas ng 1,000 tons kada araw upang mailabas ang mga suplay ng NFA sa October.

Pero, pagsapit ng November ay gagawing tig-2,000 tons ang ilalabas habang sa December ay 3,000 tons kada araw.

Mahalaga para kay Laurel ang mga programang pagbebenta ng murang bigas upang tuluyang mapakawalan at mapaluwag ang mga bigas ng NFA.

Para kay Laure, ito rin ang sagot upang mabili nila ng husto ang mga palay ng mga magsasaka na iniaani nila ngayon.

Bibilis pa aniya ang pagpapakawala ng bigas sa sandaling mapalawak pa nila ang bentahan ng murang bigas sa hanay ng transportasyon.

Sa ngayon ay nasa 57,000 katao na ang unang makikinabang sa bentahan ng murang bigas.

Facebook Comments