DA, tiniyak na may sapat na pondo para sa epekto ng El Niño phenomenon

Manila, Philippines – Tiniyak ni Agriculture Secretary Manny Piñol na may sapat na pondo ang gobyerno para bigyang ayuda ang mga magsasaka sa panahon ng matinding tag-init o El Niño phenomenon.

Ayon kay Piñol, naka-standby na ang intervention fund sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance para tiyakin na hindi gaanong masasaktan ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Kasado na rin ang mga gagawing cloud-seeding partikular sa mga lugar sa Mindoro na matindi nang nakakaranas ng sobrang tag-init.


Araw-araw na rin aniya ang monitoring ng DA sa mga lugar sa Central Luzon at Visayas.

Facebook Comments