DA, tiniyak na may sapat na suplay ng baboy at manok sa holiday season

60

Sinisiguro ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakapusin ng karneng baboy at manok sa darating na Pasko at Bagong taon.

Kasunod pa rin ito ng pagtaas ng presyo sa pamilihan ng karneng baboy.


Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, inaayos na nila ang proseso para dalhin ang mga baboy mula Visayas at Mindanao patungong Luzon.

Idinadahilan ng mga manininda ang kawalan ng suplay ng karneng baboy ang pangunahing dahilan kung bakit pumalo sa ₱350.00 ang kada kilo nito.

Umabot sa apat na milyong baboy ang namatay sa Luzon dulot ng African Swine Fever na nagpabagsak sa kabuhayan ng mga hog raisers.

Pagtitiyak ng DA, pansamantala lamang ang kakapusan ng karneng baboy sa Luzon dahil mayroon namang ginagawang aksyon ang gobyerno para muling palakasin ang hog industry.




Hinikayat ng kagawaran ang publiko na bumili muna ng karneng manok dahil sobra ang suplay nito at mababa ang presyo.

Facebook Comments