DA, tiniyak na may sapat na supply ng baboy at manok sa Metro Manila

May sapat na supply ng baboy at manok hanggang sa katapusan ng taon at sa unang quarter ng 2021.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, mahigit sa 213,500 baboy mula sa Visayas at Mindanao ang dinala sa Metro Manila at kalapit lalawigan mula noong May 2020.

Una nang hiniling ng DA sa mga hog raisers sa Visayas at Mindanao na magpadala ng supply ng baboy sa Metro Manila.


Ito’y upang madagdagan ang kakulangan ng karne gayundin makontrol ang pagtaas ng presyo dulot ng African Swine Fever (ASF) sa Luzon at sa ipinatupad na quarantine at lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Sabi pa ni Secretary Dar, asahan pa ang karagdagang 15,000 hanggang 20,000 piraso ng baboy ngayong holiday season mula sa General Santos City.

Hanggang sa unang linggo ng Disyembre mayroon pang frozen pork inventory na aabot sa 32,724 metric tons.

Bukod dito, mayroon ding surplus supply ng manok na 46% na higit pa sa katulad na panahon noong nakalipas na taon.

Facebook Comments