Tiniyak ngayon ng Department of Agriculture (DA) na mayroong sapat na suplay ng bigas sa bansa ngayong Holiday Season dahil halos makumpleto na ng palay farmers ang wet season harvest kaya’t walang dahilan upang kulangin ang bansa sa suplay ng bigas.
Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, ang volume ay kasalukuyang naibebenta sa average na P23 hanggang P25 kada kilo na farmgate price.
Habang ang average retail price para sa regular well milled rice ay nasa P42.80 kada kilo at P45 naman ang well milled rice.
Binigyang-diin pa ni De Mesa na may kabuuang mahigit tatlong milyong metriko tonelada ng palay ang maaani nitong Nobyembre at Disyembre ngayon taon.
Facebook Comments