DA, tiniyak na nakalatag na ang first border control measures sa unang bahagi ng 2025

Minamadali na ng Department of Agriculture (DA) na gawing operational sa unang bahagi ng 2025 ang mga first border’ control measures upang matiyak ang food safety at maiwasan ang pagpasok ng mga peste sa halaman at economically significant terrestrial at aquatic animal diseases.

Kasunod na rin ito ng unang kaso ng Q fever sa bansa na nauugnay sa mga imported na kambing mula sa U.S. at patuloy na pagpupuslit sa agrikultura sa bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na ang una sa limang CEFA o Cold Examination Facility for Agriculture, isang sanitary/phytosanitary inspection facility para sa mga imported na hayop, isda, halaman at produktong pang-agrikultura ay maagang magsisimula ng operasyon sa susunod na taon.


Kinumpirma ni Laurel na kasalukuyang gumagawa ang mga pribadong kontratista ng CEFA sa Angat, Bulacan.

Kasalukuyan na umano ang isinasagawang pagbili ng kagamitan upang matugunan ang operational timeline ng proyekto.

Ang CEFA sa Angat,Bulacan ay target na maging operational sa January o February ng susunod na taon.

Habang ang mga CEFA sa Manila, Subic, Davao at General Santos City ay target na mabuksan sa September 2025 .

Habang ang mga CEFA sa Angat at General Santos City ay magkakaroon lamang ng mga laboratoryo na pinondohan ng DA, ang mga komprehensibong pasilidad ay pinaplano para sa mga pangunahing daungan at daungan ng isda.

Facebook Comments