DA, tiniyak na napatatag na ang pork supply dahil sa iba’t ibang istratehiya kontra ASF

Tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na napatatag na ang pork supply sa pamamagitan ng mga ipinatupad na interbensyon.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa sa local production at sa tulong ng ibang bansa.

Positibo ang kalihim na makakabawi ang hog industry mula sa pagkalugi dulot ng pananalanta ng African Swine Fever (ASF) simula noong 2019.


Simula noong January 13, 2022, mayroong na lang limang barangay sa 17 na munisipalidad sa Region 2, 4A, 4B, 8, 11, at Caraga ang may naitatalang active cases ng ASF.

Base sa monitoring ng Department of Agriculture o DA-Regional Field Offices, nasa 553 na lungsod at munisipalidad ang ASF free na sa nakalipas na tatlo hanggang anim na buwan, 435 naman sa nakalipas na anim na buwan habang 36 ang malaya na sa quarantine.

Aabot naman sa 13, 870 sentinel pigs ang naipamahagi sa mga lugar na may zero cases.

Dahil dito, nagkaroon ng 7 million o malaking pagtaas sa hog inventory simula January 2021 hanggang January 2022.

Facebook Comments