DA, tiniyak na sapat ang suplay ng gulay sa merkado sa kabila ng pagtama ng Bagyong Karding

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na walang kakulangan sa suplay ng mga gulay sa mga pamilihan sa bansa.

Ito’y sa kabila ng naging pinsala sa agrikultura ng Bagyong Karding.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, ang palay ang labis na naapektuhan sa hagupit ng nagdaang bagyo mula sa apat na rehiyon sa bansa.


Kung mayroon man aniyang nasirang gulayan sa Central Luzon ay mayroon pa namang ibang mapagkukuhanan ng gulay gaya sa Bicol Region at iba pang lugar.

Dahil dito ay pinakilos na ng DA ang libreng trucking para madala ng mga magsasaka sa mga pamilihan sa Metro Manila ang kanilang mga produkto.

Aniya, kung mayroon mang pagtataas sa presyo sa vegetable products sa Metro Manila ito ay hindi dahil sa epekto ng bagyo kundi dahil sa pagbagsak sa palitan ng piso kontra dolyar.

Facebook Comments