DA, tiniyak na tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang gastos sa produksyon

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang interbensyon upang matulungan ang mga magsasaka na mapababa ang mga gastos sa produksyon na itinuturing na pangunahing salik sa pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang ahensiya sa grupo ng mga magsasaka ng palay dahil tumaas ang presyo ng hanggang ₱5 kada kilo.

Paliwanag pa ni Evangelista ang iba’t ibang hamon na nag-ambag sa tumataas na farmgate at mga presyo sa merkado, kabilang ang mas mataas na halaga ng mga input sa agrikultura at pagbabago ng klima.


Aniya, tinitingnan ng DA kung paano matutulungan ang mga magsasaka sa pagpapababa ng gastos sa produksyon.

Dagdag pa ni Evangelista, kabilang ang pamamahagi ng makinarya hindi lamang para sa produksyon kundi pati na rin para sa mga post-harvest facility.

Una nang iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na hindi lamang ang Pilipinas ang apektado ng tumataas na gastos sa produksyon, kundi pati na rin ang iba pang bansa na gumagawa ng bigas.

Facebook Comments