DA, tiniyak sa consumers na hindi bukbuking bigas ang ibebenta ng ₱20 per kilo sa mga Kadiwa Center

Tiniyak ngayon ng Department of Agriculture (DA) na maganda ang kalidad ng bigas na ibebenta sa mga Kadiwa Center sa halagang ₱20 ang kada kilo.

Sa ginanap na Forum sa Quezon City, ipinaliwanag ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra ang kalidad ng ibinebentang bigas na halagang ₱29 sa mga Kadiwa Center ay siya ring bigas na ibebenta simula May 13.

Ayon kay Asec. Guevarra, ito ay mga bigas na bahagi ng buffer stock ng gobyerno na aged na, pero dekalidad pa rin dahil mula ito sa mga magsasaka.

Paliwanag ni Guevarra, dumaan sa quality control ang bigas kaya hindi kailangang mangamba ng publiko.

Target ng DA na makinabang ang may 6.9 milyong pamilya na mula sa Vulnerable Sectors.

Facebook Comments