Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mababayaran na ng buo sa linggong ito ang Php 100-M na utang sa mga fertilizer suppliers sa Ilocos region.
Ito’y para sa mga fertilizers na naipamahagi sa mga magsasaka sa naturang rehiyon sa ilalim ng voucher system ng rice program ng ahensya.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Regional Operations Arnel de Mesa, kabuuang P22 million na ang nabayaran kahapon habang ang natitirang utang ay ipinoproseso na ng DA Regional Field Office 1.
Isinisi ni De Mesa sa system glitch o hindi naiprosesong additional documentary requirement ang dahilan ng delay sa kabayaran sa mga suppliers.
Humingi naman ng pang-unawa si De Mesa sa tinawag niyang minor setback at inconvenience sa mga suppliers ng fertilizer.
Facebook Comments