Kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) na magiging matatag na ang kontribusyon ng presyo ng bigas sa inflation rate sa susunod na buwan.
Ginawa ng DA ang pahayag matapos na maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 23.7 percent na mataas na presyo ng bigas sa February inflation rate.
Ayon pa sa PSA, posibleng umiral ang mataas na presyo ng bigas hanggang Agosto at Setyembre ngayong taon.
Ayon kay DA Spokesperson Arnel de Mesa, tiyak na tatatag na ang rice prices dahil asahan nang bababa na ang farmgate price ng palay sa pamilihan.
Nagsimula na kasi aniya ang anihan ng palay ngayong Marso at Abril.
Kaunti lang din aniya ang magiging epekto ng El Nino sa produksyon ng palay.
Mula sa 7 thousand hectares ng lupang sakahan na tatamaan ng matinding tag-init, .5 hectares lang dito ang taniman ng play.
Ibig sabihin, ayon kay De Mesa, .11 percent lang ng total production ng palay ang posibleng di-produktibo.