Monday, April 6, 2026

DA, tutulungan ang mga exporters na tinamaan ng krisis sa langis

Nakahanda ang Department of Agriculture (DA) na alalayan ang mga exporter ng mahahalagang produktong agrikultura ng bansa.

Kasunod na rin ito ng pakikipag-ugnayan ng DA sa mga financial institutions.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. lubhang naapektuhan ang exportation ng saging at pinya matapos maantala ang mga shipping route sa Gitnang Silangan.

Aniya, nagdudulot na ito malaking ng opportunity losses sa mga lokal na negosyante.

Sa ilalim ng DA Food Security Task Force, araw-araw na imo-monitor ang suplay, presyo, at galaw ng import at export ng mga pangunahing bilihin.

Maglalabas ang task force ng standardized daily briefing na isusumite sa Kongreso at sa tanggapan ng pangulo upang mapabilis ang pagkilos ng pamahalaan.

Bukod sa tulong pinansyal, pinag-aaralan na rin ng ahensya ang pagbubukas ng mga alternatibong merkado ng mga agri products gaya ng Africa, Australia, Europe, at Southeast Asia.

Ito ay upang maprotektahan ang kita ng mga magsasaka, producer at kapakanan ng mga konsumer.

Facebook Comments