DA, tutulungan ang mga magsasaka sa Mindanao na maibiyahe ang kanilang ani sa Visayas at Luzon

Nakipag-partner ng Department of Agriculture (DA) sa isang pribadong sektor para tulungan ang mga lokal na magsasaka sa Mindanao na maibiyahe at maibenta ang kanilang high-value crops sa Luzon at Visayas.

Layunin nitong maipasok sa malalaking merkado ang mga inani ng mga magsasaka at makapagbigay sa kanila ng stable income sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ang DA sa pamamagitan ng kanilang field office sa Region 11, ay nagkaroon ng kasuduan sa Durian Industry Association of Davao City (DIADC) at John Gold Cargo Forwardo para sa inisyatibo.


Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, ang tatlong shippers ay ibibiyahe ang 15 toneladang mga prutas mula Davao patungong Manila mula September 1 hanggang October 1.

Ayon kay Undersecretary for Regulations and Infrastructure Engr. Zamzamin Ampatuan, karamihan sa mga kargamento ay naglalaman ng durian.

Oportunidad ito na mapakikinabangan ng mga magsasaka, producers at traders.

Sinabi naman ni Undersecretary for High-Value Crops at Rural Credit Evelyn Laviña, ang unloading ng unang shipment ng mga prutas ay makakahikayat pa ng mas maraming producers, consolidators at shippers na gumamit ng air cargo sa pagbiyahe ng agricultural commodities.

Katuwang ng DA sa inisyatibong ito ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Trade and Industry (DTI) para matiyak ang maayos at tuluy-tuloy na galaw ng mga shipment.

Facebook Comments