Nanawagan sa Kongreso si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na iprayoridad ang pagpasa ng ₱66-billion stimulus package para sa pagsusulong ng Plant, Plant, Plant program.
Aniya, sa pagtatapos ng pandemya, kikilos ang DA sa prinsipyo ng survive, reboot at grow.
Dagdag pa ni Dar, malaki ang magiging papel ng agri-fishery sector sa muling pagpapaandar ng ekonomiya.
Sa pamamagitan nito, masosolusyunan ang epekto ng pandemic sa food production, sa market access at rural employment.
Ayon kay DAR, mahalagang mabilis na mapagulong ang food production sa bansa.
Mangangailangan aniya ng epektibong sistema upang ang publiko ay makakatamasa ng mura at mabilis na paghahatid ng pagkain.
Puntirya ni Secretary Dar na palawakin ang mga lugar na sentro ng produksyon ng pagkain.
Bubuhusan ng ahensya ng interbensyon ang mga production area para mapalakas ang kanilang lebel ng produksyon.