DA, welcome sa gagawing imbestigasyon sa umano’y overpriced na fertilizer

Bukas ang Department of Agriculture (DA) na maimbestigahan ang alegasyon sa overpriced na pataba na ipinamahagi sa mga magsasaka na apektado ng pandemya.

Sa virtual presser ng DA, sinabi ni Assistant Secretary Noel Reyes na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng wastong impormasyon ang mga magsasaka at mga mambabatas kaugnay sa fertilizer issue.

Nanindigan si Reyes na sumunod ito sa procurement protocols sa pagbili ng mga fertilizer.


Binuksan aniya nila sa publiko ang mga bidding.

May susunod pa aniyang bidding para sa P3.8-billion procurement at mayroong 26 slots.

Nasa 16 na kumpanya ang nakilahok at inaasahan na mas mababa ang presyo.

Ginawa ni Reyes ang anunsyo makaraang ihayag ng mga magsasaka sa Central Luzon na overpriced ng 140 pesos kada bag ang mga ipinamudmod na pataba.

Facebook Comments