Malaking bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa United Arab Emirates (UAE) ang hindi pa rin nakakauwi ng Pilipinas matapos na maipit sa ilang buwang travel ban na pinairal ng Philippine government.
Kaugnay nito, nagtakda ang Cebu Pacific ng sunud-sunod na bayanihan flights para maiuwi ang mga stranded na Pinoy sa Dubai at iba pang bahagi ng UAE.
Pinakahuling dumating ngayong linggo ang dalawang batch ng Pinoy repatriates na binubuo ng mahigit 300.
Sa ngayon, halos 5,000 nang OFWs ang naiuwi ng Cebu Pacific mula sa mga bansang kasama sa sakop ng ilang buwang travel ban ng Philippine government.
Facebook Comments