Daan-daan pang OFWs sa Vietnam, nawalan ng trabaho

Halos 100 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho sa Vietnam ang dumating sa bansa.

Ayon sa Philippine Embassy sa Vietnam, marami pang OFWs ang humihingi sa kanila ng tulong para makauwi ng Pilipinas matapos mawalan ng trabaho.

Partikular na maraming distressed OFWs ngayon ay sa Ho Chi Minh City.


Ngayong taong ito, umabot na sa halos 1000 Pinoy sa Vietnam na nawalan ng trabaho ang napauwi ng pamahalaan.

Facebook Comments