DAAN-DAANG ATLETANG MAG-AARAL SA ALAMINOS CITY, NAGTIPON SA PAGBUBUKAS NG DIVISION MEET 2025

Matagumpay na binuksan ang Alaminos City Division Athletic Association Division Athletic Meet 2025 na dinaluhan ng daan-daang atleta mula sa iba’t ibang paaralan sa Alaminos City upang ipamalas ang kanilang talento, lakas, at dedikasyon sa iba’t ibang larong pampalakasan.

Ipinunto ng alkalde na higit pa sa pagkapanalo ang tunay na layunin ng palakasan—ang paghubog ng kabataang may matatag na karakter at ang pagkakaisang hatid ng bawat kompetisyon.

Buong pwersang nakiisa ang pamunuan ng DepEd–Alaminos City na nagpahayag ng suporta at paghanga sa dedikasyon ng mga kabataang atleta na patuloy na nagdadala ng karangalan sa kanilang paaralan at sa buong lungsod.

Ipinahayag pa ng mga opisyal na nakikita nila ang napakalaking potensyal ng mga kabataang Alaminian. Anila, hindi malayong may umangat muli bilang kinatawan ng lungsod sa rehiyon at posibleng maging bahagi pa ng pambansang kompetisyon sa hinaharap.

Sa pormal na pagbubukas ng kompetisyon, nagsisimula na rin ang masusing pagpili ng mga magiging delegado ng Alaminos City para sa darating na Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet, kung saan ipagpapatuloy ng mga atleta ang kanilang laban para sa karangalan ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments