Daan-daang Ektarya ng Tanim na Palay at Mais, Napinsala sa Pagbaha sa Cauayan City

Cauayan City, Isabela- Umaabot naman sa 20 ektarya ng tanim na palay ang labis na naapektuhan ng pagbaha kung kaya’t hindi na ito maaari pang anihin ng magsasaka sa ilang lugar sa lungsod ng Cauayan.

Ayon kay City Agriculturist Ricardo Alonzo, may naitala namang ‘chance of recovery’ o yung pwede pang maisalbang pananim na palay mula sa 854 ektarya ng sakahan.

Aniya, aabot sa P10 milyon ang halaga ng pinsala ng pananim na palay mula sa nasabing ektarya ng pananim na hindi na napakinabangan pa ng mga magsasaka.


Bukod dito, naitala naman ang pinsala sa tanim na mais na umabot sa 521 ektarya habang sa partikular na lugar ng forest region ay naitala ang 1,579 na pinsala o katumbas ng higit sa P11 milyon.

Nagkaroon din ng pinsala sa tanim na gulay na umabot sa 120 ektarya kung kaya’t nagkaroon din ng mababang suplay ng gulay sa pamilihang lungsod habang magmumula naman sa iba’t ibang bayan ang suplay nito.

Bilang tugon, mamamahagi ng libreng vegetable seed ang agriculture office sa mga magsasakang apektado ng malawakang pagbaha dahil sa halos magkakasunod ang naranasan.

Habang kasalukuyan na rin ang pagbibigay ng libreng binhi ng palay para sa mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad.

Matatandaang nakapagpamigay na rin ng higit sa 20,000 eurya ang lokal na pamahalaan sa mga magsasaka.

Facebook Comments