DAAN-DAANG INDIBIDWAL SA BAYAN NG BAYAMBANG, BENIPISYARYO NG LIBRENG PAGSASANAY MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Matagumpay na nagtapos ang daan-daang indibidwal sa mga pagsasanay na handog ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan para makatulong sa kanilang pamumuhay.
Ang naturang pagsasanay na ito ay sa ilalim ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan upang makapagbigay ng pagkakataong makapaghanap ng trabaho na makakatulong sa ikaaangat ng kanilang pamumuhay.
Nasa kabuang bilang na 364 indibidwal ang nagtapos sa pagsasanay na Basic Nail Care Skills Training at Basic Sewing Skills Training kung saan pinangunahan ito ng Provincial Employment Services Office (PESO) ang limang araw na pagsasanay sa tulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa bayan ng Bayambang.

Idinisenyo ito para sa mga naghahanap ng trabaho, out of school youths, unemployed adults, grassroots women, LGBT community, displaced workers/OFWs upang magkaroon ng dagdag kaalaman at may layong makatulong na pagkakitaan ng mga benepisyaryo.
Bilang pagtatapos sa kanilang pagsasanay, nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga benepisyaryo mula sa Pamahalaang Panlalawigan na nagkakahalaga ng P2,000 para sa mga hard skills at P1,000 naman para sa soft skills upang pandagdag nila sa gastusin sa pagkuha ng pre-employment requirements gaya ng clearances, medical certificates na tinutulungan din ng PESO na makapasok sa trabaho. |ifmnews
Facebook Comments