Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa masamang panahon na dala ng Bagyong Nika.
Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), may kabuuang 196 na pasahero, truck driver at mga pahinante ang apektado ng sama ng panahon at hindi pa makabiyahe.
Nasa 18 rolling cargoes, apat na barko at apat na motorbanca rin ang stranded bukod pa sa apat na barko at 15 motorbanca na pansamantalang nakikidaong dahil sa Severe Tropical Storm.
Ang mga ito ay mula sa mga pantalan sa Southern Tagalog gaya ng Real Port, Port of San Andres, Port of Atimonan, Calapan Port, Muelle Port at Balanacan Port.
Dalawang pantalan din sa Bicol ang may mga mahigit isandaang indibdiwal na stranded partikulat ang Pasacao Port at ang Port of Calaguas Island.
Inaasahang makapaglalayag na rin ang mga na-stranded na sasakyang pandagat, oras na gumanda ang lagay ng panahon.