Daan-daang katao lumahok sa Oplan Mega Market

Daan-daan katao ang lumahok sa Linis Bayan o Oplan Mega Market kaninang umaga na pinangunahan ni Mayor Atty.Frances Cynthia Guiani Sayadi, City Government Employee, Military, Kapulisan,Liga ng Barangay, mga civic organization, vendors at City Market Administrator. Ayon kay mayor Cynthia, na itoy tugon sa karaingan ng mga tao na dumarami ang paglipana ng mga langaw sa mega market matapos itong masunog dahil nagtambak ang mga basura.Kayat nagbayanihan kahapon ang ibat-ibang sector para maibsan ang basuro at langaw na labis na nakakaapekto sa mga nagtitinda at namamalengke sa lugar. Kinakailangan pa ng bombero ara maflash out ang mga makapal na basurang nakaharang sa mga canal.Sa ngayon ay nasa paligid ng mega market pansamantalang nagtitinda ang mga vendors habang hinahanapan pa sila ng ibang lugar.

Facebook Comments