Manila, Philippines – Nagkagirian, paluan at tulakan kanina ang mga pulis at nasa anim na raang katutubo na nagrarally dito sa TM Kalaw St sa Maynila sa pamumuno ng grupong Lakbayan.
Sa kabila nito, siniguro ni MPD Spokesman Supt Erwin Margarejo – na ipapatupad ng kanilang hanay ang maximum tolerance.
Ayon kay Datu Jerome Succor Aba ng grupong Sandugo, isinabay nila sa ika 26 na taong anibersaryo ng pag sipa ng base militar ng Estados Unidos ang kanilang kilos protesta para iparatinh ang patuloy na paglaki ng partisipasyon ng amerika sa nangyayaring giyera sa Mindanao.
Matatandaang noong nakaraang taon, naging kontrobersyal ang rally sa harap ng us embassy nang sagasaan ng pulis mobile na minamaneho ni Franklin Co ang mga raliyesta.
Paalala ni Margarejo sa publiko na pansamantalang iwasan dumaan sa Roxas Blvd. dahil sa posibleng dulot na pagsikip sa daloy ng mga sasakyan ng nasabing rally.