Daan-daang kilo ng agricultural products na dala ng pasaherong Japanese, nakumpiska sa NAIA

Kinumpiska ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang daan- daang kilo ng agricultural products na dala ng pasaherong Japanese national.

Ayon sa BOC, ang mga nakumpiskang produkto ay pawang walang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Bukod sa mga sariwang karne ng baka at manok, nakumpiska rin sa dayuhan ang ilang dosena ng itlog, nga prutas at kilo-kilong isda.


Ang mga nasamsam na produkto ay nai-turn-over na sa BAI, BPI, at BFAR para sa tamang pagtatapon.

Layon nito na hindi na kumalat pa sa merkado dahil sa potensyal na panganib sa kalusugan ng publiko.

Facebook Comments