Daan-daang kilo ng ‘hot meat’, nasabat ng NMIS Las Piñas

Kinumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) sa meat stall sa Las Piñas City Public Market ang halos 400 kilos ng karneng hindi dumaan sa accredited slaughterhouse.

Una nang ikinasa ng NMIS Enforcement Unit ang operasyon noong June 7 kung saan katuwang nito ang Las Piñas City Veterinary Services Office.

Ayon kay NMIS Enforcement Unit Head Venet Santos, kumpirmadong galing sa isang hindi awtorisadong katayan ang mga ibinebentang karne.


Tumambad rin sa mga awtoridad ang maduming stall pati ang imbakan ng mga karne.

Agad na itinurnover naman ang mga nasabat na karne sa Las Piñas City Veterinary Services Office para mai-dispose ito.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng ahensya ang publiko na huwag tangkilikin ang mga karneng mula sa mga hindi awtorisadong tindahan upang maiwasan ang masamang epekto sa kalusugan ng taong kakain nito gaya ng food borne illnesses at food poisoning.

Facebook Comments