DAAN DAANG MAGSASAKA SA IKA ANIM NA DISTRITO NAKATANGGAP NG LIBRENG BINHI MULA SA DA

30
Natapos na ng DA R1 sa tulong ng Municipal agriculture ng bawat bayan sa ika 6 na distrito ang apat na araw na distribusyon ng libreng inbred rice seeds sa 718 na mga magsasakang benepisyaryo sa bayan.
Ang pamamahagi ng mga libreng binhi ay mula sa pondo ng DA na RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund. Sa tulong nito nabahagian ang mga magsasaka sa bawat bayan ng nabanggit na distrito.
Nabatid naman ang pasasalamat ng mga magsasakang nakatanggap ng libreng binhi dahil malaking tulong ito sa kanilang pagsasaka lalo na’t karamihan sa mga ito ay naapektuhan ang pananim.

Samantala, umaasa ang DA Region 1 na sa pamamagitan ng mga libreng binhi ay mabawi ng mga magsasaka ang kanilang lugi dahil sa paghagupit ng habagat at bagyo. |ifmnews
Facebook Comments