DAAN-DAANG MANANAMPALATAYA, NAGTIPON SA VIGAN PARA SA PRAYER RALLY KONTRA KORAPSYON

Nagtipon ang daan-daang mananampalataya sa Immaculate Conception School of Theology sa Pantay Daya, Vigan City para sa isinagawang Prayer Rally kahapon, Oktubre 19.

Layunin ng pagtitipon na manalangin at manindigan laban sa katiwalian, dredging, at pamamayani ng political dynasty.

Matapos ang panalanging pagtitipon, nagmartsa ang mga kalahok patungong Plaza Burgos kung saan idinaos ang pangunahing programa.

Kaugnay nito, pansamantalang isinara sa trapiko ang mga kalapit na kalsada gaya ng Burgos, Crisologo, Jacinto, at Florentino Streets.

Nanatiling mapayapa at taimtim ang buong aktibidad na nagsilbing pahayag ng pananampalataya at pagkakaisa ng simbahan laban sa katiwalian.

Facebook Comments