Nakinabang ang nasa apat na raan at animnapung mga bata sa San Fabian sa isinagawang Bantay Kalusugan Feeding Program sa ilang mga barangay gaya ng Brgy. Ambalangan Dalin, Brgy. Colisao, at Brgy. Binday.
Ang naturang aktibidad ay naglalayon na lahat ng mga bata ay mabibigyang prayoridad lalo na ang mga nasa malalayong lugar.
Isa lamang ang feeding program na ito sa mga ibat-ibang programang pangkalusugan na inilulunsad ng pamahalaang panlalawigan ukol sa pagbibigay halaga sa nutrisyon.
Bukod pa rito ay nasa mahigit tatlong daan o 360 na pamilya rin ang tumanggap ng tig-limang kilong bigas.
Nakibahagi sa paghahatid ng programa ito ang ilang mga opisyal sa naturang bayan,mga barangay chairman, mga konsehal ng barangay, at maging ang mga kinatawan ng Provincial Social Welfare and Development Office. |ifmnews
Facebook Comments