Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kabuuang 1,839 na stakeholders na stranded sa Southern Tagalog, Bicol Region, Central Visayas, Western Visayas, at Eastern Visayas dahil sa Bagyong Quinta.
Kabilang dito ang mga pasahero, truck drivers, cargo helpers, 929 rolling cargoes, 44 vessels, at 14 motorbancas.
Habang 125 vessels at 58 motorbancas ang nakahimpil naman at nagpapahupa habang hindi pa bumubuti ang lagay ng panahon.
Ang PCG Command Center naman ay 24/7 na nagsasagawa ng nationwide monitoring.
Partikular ang mahigpit na pagpapatupad ng mga panuntunan sa galaw ng mga sasakyang pandagat sa panahon ng kalamidad.
Ang Coast Guard Districts, stations, at sub-stations naman sa buong bnsa ay naka-standby para sa posibleng pagresponde sa emergency situations, at patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) at disaster response teams mula sa mga lugar na apektado ng bagyo.