Daan-daang nurses at caregivers, kailangan sa Japan

Halos dalawang buwan pa ang natitira para sa mga nag nanais mag-apply bilang caregiver at nurses sa Japan.

Itinakda kasi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang deadline sa April 30, 2019.

Base sa inilabas na pahayag ng DOLE tumatanggap na ang POEA ng mga aplikasyon para sa mga nais maging nurse at caregiver sa Japan sa ilalim ng Persons of the Philippines-Japan Economic Partnership Agreement.


Para sa mga nursing positions kailangan ay Graduate ng Bachelor of Science in Nursing, may PRC Board License at tatlong taong hospital experience.

Ang mga kwalipikadong aplikante ay kailangan sumailalim sa six month on site Japanese language training at OJT sa mga ospital.
Kinakailangan maipasa ng mga ito ang licensure examination sa Japan bago maging isang registered nurse doon.

Habang sa mga nais naman mag caregivers dapat ay graduate ng kahit anong four year course, NC2 Caregiver Certified ng TESDA.

Sasailalim din ang mga caregivers aspirant sa 6 month language training at tatlong taong OJT bago makakuha ng national examination for caregivers para makapagtrabaho doon ng matagalan.

Facebook Comments