Daan-daang OFW sa United Arab Emirates (UAE) ang umaapela ng tulong sa gobyerno na makauwi sa Pilipinas matapos mabiktima ng mga illegal recruiters.
Nakakapanlumo ang sitwasyon ng mga OFW partikular ang mga undocumented na nagsisiksikan sa konsulada sa Dubai.
Ilan sa mga ito ay tumakas sa kanilang employer na minamaltrato sila habang ang iba ay itinurn-over na lamang sa konsulada.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai na nasa higit 300 OFW ang nananatili sa kanilang welfare office.
Ipinoproseso na ang mga dokumento ng mga OFW para makauwi na ang mga ito sa Pilipinas.
Facebook Comments