DAAN-DAANG PANGASINENSE, DUMALO SA UNANG GABI NG TRADISYONAL SIMBANG GABI ED KAPITOLYO; PAGPAPAKUMBABA, MENSAHE NI ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

Dinaluhan ng daang-daang Pangasinense ang unang gabi ng Tradisyonal Simbang Gabi ed Kapitolyo sa Capitol Grounds, Lingayen, Pangasinan.

Pinangunahan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang misa kung saan binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapakumbaba upang makamit ang tunay na kaligayahan habang nabubuhay.

Ayon kay Villegas, dapat ugaliin ng bawat indibidwal ang pagsasabi ng Thank You, Sorry, at Please dahil wala umanong nagpupunyagi sa kayabangan at pagmamataas sa kapwa.

Kaugnay nito, idaraos ang Tradisyonal Sambing Gabi ed Kapitolyo hanggang December 23 sa oras na alas singko ng hapon at alas syete ng gabi sa December 24. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments