Umaabot sa tatlong daan Persons Deprived of Liberty o PDLs ang nasa listahan na isusumite ng Department of Justice (DOJ) ngayong linggo sa Malacañang para mabigyan ng pardon.
Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, posibleng maigawad ang executive clemency sa kwalipikadong PDLs sa birthday ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa September 13.
Sa halip aniyang sa panahon ng Kapaskuhan igagawad ang pardon, aagahan ito ng administrasyon.
Nilinaw rin ni Clavano na bukod ito sa good conduct and time allowance na ibinibigay sa PDLs na nakapagsilbi na ng kanilang sentensya.
Nakadepende rin aniya sa pangulo kung executive clemency, absolute pardon o conditional pardon ang igagawad sa bilanggo.
Facebook Comments