Patuloy na dumadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang daan-daang Filipino pilgrims na dadalo sa pilgrimage sa Saudi Arabia sa Hunyo.
Sila ay bahagi ng 5,000 Pinoy pilgrims na lalahok sa pilgrimage ngayong taon.
Una nang dumating sa Prince Mohammed bin Abdulaziz International Airport sa Madinah, Saudi Arabia ang unang batch ng Filipino pilgrims.
Sila ay sinalubong ng team ng Philippine Embassy sa Riyadh at ng Philippine Consulate General sa Jeddah.
Nanindigan naman ang Philippine Embassy sa Riyadh sa babala nito sa Filipino Muslims na kailangang tiyakin nila na may valid permit sila sa kanilang pagdalo sa Hajj pilgrimage.
Ayon sa Embahada, iligal ang pagdalo sa pilgrimage nang walang kaukulang permit.
Ipinaalala ng Philippine Embassy na 10,000 SAR ang multa bukod pa sa deportation at tuluyang ban sa pagpasok sa Saudi Arabia.