Tuloy-tuloy ang rescue operations na isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon sa PCG, kabuuang 124 na pamilya na residente ng Casilian, Bacarra, Ilocos Norte ang kanilang inilikas patungo sa evacuation center.
Sa Legazpi City naman, 22 residente ng Barangay 16, Cabangan, Legazpi City ang nasagip sa kasagsagan ng nararanasang malawakang pagbaha sa Bicol region.
Dalawa naman ang nasagip sa Sitio Libas, Barangay Maguiron, Guinabatan, Albay, matapos ang naitalang landslide ngayong araw.
Nakaalerto pa rin ang Deployable Response Groups ng PCG sa ilang lugar sa bansa upang umagapay sa mga residente na apektado ng bagyo.
Facebook Comments