Nasa kabuuang 483 na indibidwal sa bayan ng Tumauini ang tumanggap ng kanilang sahod sa ilalim ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation sa pamamagitan ng Cash-For-Work Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 kamakailan.
Pinangunahan ni Mayor Venus Bautista kasama ang mga empleyado ng DSWD R2 ang pag-abot ng sahod sa mga benepisyaryo na ginanap sa Rudy B. Albano Astrodome sa naturang bayan.
Ang nasa mahigit 400 na benepisyaryo ay nagtanim ng bamboo seedlings sa gilid ng Cagayan River at Pinacanauan de Tumauini River, nagtanim ng fruit bearing trees sa Brgy. Namnama Eco Park, at nagsagawa ng clean-up drive sa Camp Samal Training Center & Leisure Park sa loob ng sampung (10) araw.
Layon ng nasabing programa na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga indibidwal na dumaraan sa matinding pangangailangan bunsod ng kawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Facebook Comments