Pinatibay ang samahan at pananampalataya ng mga kabataang seminarista mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ginanap na nationwide gathering ng high school seminaries sa Mary Help of Christians Seminary sa Binmaley nitong Pebrero 12–14, 2026.
Ang SANGKAN (Isang Angkan kay Kristo) ay isang taunang pagtitipon ng mga high school seminaries sa Pilipinas na layong palakasin ang espiritwal na pagkakapatiran, pagkakaibigan, at mabuting asal ng mga kabataan.
Bukod sa mga espiritwal na gawain, nagkaroon din ng sports competitions sa pagitan ng mga seminarista.
Layunin ng pagtitipon na mapalawak hindi lamang ang pananampalataya, kundi pati na rin ang karakter at ugnayan ng mga seminarista sa bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










