DAAN TUNGO SA KAPAYAPAAN | UN, nag-alok ng tulong kaugnay sa usapang pangkapayapaan ng Amerika at North Korea

World – Suportado ng United Nations ang hakbang Estados Unidos at North Korea na isulong ang kapayapaan.

Hinangaan din ng UN ang naging pagpapasya ni US President Donald Trump na makipagkita ng personal kay North Korea lider Kim Jong Un sa buwan ng Mayo.

Ayon kay UN Spokesman Stephane Dujarric – nagpahayag na si UN Secretary General Antonio Guterres ng kahandaan na tumulong kung anuman ang maari nilang ibigay para matuloy na ang usapin.


Nagpahayag din ng pagtulong ang Switzerland na bilang neutral na bansa ay maaaring doon sa kanila gawin ang naturang pag-uusap.

Facebook Comments