Muling nakatanggap ng libreng serbisyong medikal ang nasa daang-daan na mga residente sa bayan ng Bayambang na handog ng mga pribadong foundation at institusyon kung saan taun-taon nilang isinasagawa ito sa bayan.
Ang pagsasagawa ng libreng serbisyong medikal na ito naisakatuparan rin sa nakipagtulungan ng LGU-Bayambang lalo na mula sa buong grupo ng RHU kasama ang Kasama Kita Sa Barangay Foundation at Niña Cares Foundation.
Nagsimula ang medical mission sa isang thanksgiving mass na siyang sinundan ng maikling programa.
Ilan sa mga medical services na inihatid sa mga residente ay ang dental cleaning, dental extraction, laboratory analysis, X-ray, consultation, at circumcision.
Mayroon rin libreng gamot at giveaways para sa mga dumalo at nakiisa sa naturang aktibidad kung saan naglalaman ng ilang pangunahing pangangailangan pati LGU Bayambang ay nagbigay rin.
Para naman sa mga batang dental patients ay nakatanggap ng reading materials at toothbrush.
Nagbigay din ng libreng gamot na full dose ng antibiotics, vitamins, at isang box ng anti-hypertensive medicine na kasya sa isang buwan. |ifmnews
Facebook Comments