DAANG KALIKASAN, SARADO PA RIN

Ilang taon na at nakasara pa rin ang Daang Kalikasan na matatagpuan sa bayan ng Mangatarem.

Ayon kay PEMS Ranny Bataan, ito raw ay dahil sa mga aksidenteng naitala gayundin ay may ilang bahagi sa dulong bahagi na wala pa raw karugtong.

Dagdag pa ang mga naitatalang landslides sa lugar.

Samantala, may ilang aktibidad na pinapayagang isagawa sa loob tulad nang pagtatanim o anumang may kaugnayan sa kalikasan basta’t may permiso sa awtoridad.

Mula 2017, isinara na ang lugar ngunit may ilan umanong nakakapuslit na dumadaan naman sa Daang Katutubo sa katabing bayan nito sa Aguilar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments