Daang Libo katao ang nakiisa sa isinagawang Grand Caravan sa Central Mindanao para ipakita ang isang porsyentong suporta sa Bangsamoro Organic Law.
Nagsimula ang caravan sa Cotabato City pasado alas sais kahapon ng umaga at dire-diretsong nag- ikot sa mga bayan ng mga lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato.
Sinasabing tinatayang humigit kumulang sa 10,000 vehicles ang sumama sa convoy sakay ang mga kabataan, senior citizens at ibat ibang sektor.
Bagaman nagmumula sa ibat ibang bayan , iisa lamang ang naging layunin ng mga sumama sa Caravan, para ipakita ang suporta sa BOL na sinasabing tugon sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro Homeland.
Hindi rin inalintana ng mga lumahok ang init ng sinag ng araw maging ang pagbuhos ng ulan.
Kaugnay nito, kasabay ng Grand Caravan at makalipas ang halos 4 na dekada , nagtungo sa 6th ID Headquarters si MILF Chiarman Murad Ebrahim kahapon. Layun nito upang ipakita ang suporta at pagiging sinsero nito sa mga inisyatiba at adbokasiya sa usaping pangkapayapaan
Daang libong Bangsamoro nakiisa sa Grand Caravan sa Central Mindanao
Facebook Comments