Daang pamilya lumikas dahil sa away ng 2 Kumander sa North Cotabato

Tinatayang na 800 pamilya ang lumikas sa Pikit North Cotabato dahil sa nagpapatuloy na girian ng dalawang mga armadong grupo.
Sentro ng tensyon ang Branggay ng Talitay habang naapektuhan ang Bulod at ayon pa kay Pikit MDRMMO Tahera Kalantungan sa panayam ng DXMY.
Ilang sibilyan rin aniya ang tinamaan ng ligaw na bala habang isang bangkay na maaring myembro mula sa naglalabang armado ang narekober sa Brgy. Rajamuda.
Nasa Baranggay Inug-ug pansamantalang nanunuluyan ang mga pamilyang lumikas.
Nagsimula ang tensyon matapos magkasagupa ang grupo ni Kumander Ricky ng MILF at Kumander Buto noong araw ng huwebes.
Contributed Photos
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>




Facebook Comments