Daang pamilya lumikas dahil sa tensyon sa South Upi Maguindanao!

33

Lumikas ang tinatayang nasa 900 na pamilya mula sa liblib na bahagi ng South sa Maguindanao.
Ang paglikas ay bunsod pa rin sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng mga armadong grupo na nag- aagawan sa lupa base na rin sa naging panayam kay South Upi Mayor Reynalbert Insular.
Kasalukyang nasa 8 evacuation site ang mga pamilya na lumikas mula sa mga Brgy Pilar , Kuya at Pandan.
Agad namang nagpaabot ng food assistance ang BARMM READI o Rapid Emergency Action on Disaster Incidence sa maga pamilyang apektado.
Samantala, nagpaabot rin ng financial assistance ang tanggapan ni BARMM MP Dra. Susan Anayatin sa isang sibilyan na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos maging sugatan sa kaguluhan.
Karamihan sa mga pamilyang naapektuhan ay mga nagmumula sa Teduray Community ng South Upi.
CCTO PIC

Facebook Comments