DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM | DTI, umalma sa hirit na dagdag-presyo ng mga manufacturer ng sardinas

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na dadaan sa butas ng karayom ang napipintong pagtaas ng presyong sardinas.

Ayon kay DTI-Consumer Protection and Advocacy Bureau (CPAB) Director Lilian Salonga, masyadong malaki ang piso hanggang dalawang pisong hirit ng mga manufacturer ng sardinas.

Aniya, anim na sentimo lang ang inaasahang epekto ng train law sa kada lata ng sardinas.


Una nang iginiit ng mga manufacturer na ang dobleng pagtaas sa produktong petrolyo dahil sa train law at latang ginagamit sa paggawa ng sardinas ang dahilan ng kanilang pagtataas.

Facebook Comments