DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM | Nakaambang pagtaas sa presyo ng sardinas, tiniyak na bubusisiin ng DTI

Manila, Philippines – Tiniyak ng Dept. of Trade and Industry na dadaan sa butas ng karayom ang napipintong pagtaas ng presyong sardinas.

Ayon kay DTI-Consumer Protection and Advocacy Bureau (CPAB) Director Lilian Salonga, masyadong malaki ang piso hanggang dalawang pisong hirit ng mga manufacturer ng sardinas.

Aniya, anim na sentimo lang ang inaasahang epekto ng TRAIN law sa kada lata ng sardinas.


Facebook Comments