DADAGDAGAN | 9 na commissioners itatalaga para sa komisyon na ipapalit sa ERC

Manila, Philippines – Dadagdagan ang mga commissioners sa bagong komisyon na ipapalit sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Inihain ang house bill 7104 na naglalayong palitan ang ERC ng Philippine Power Commission o PPC dahil sa mga naiulat na katiwalian na kinasasangkutan ng ahensya.

Tiniyak ni House Committee on Energy Vice Chairman Carlos Uybarreta na ang PPC na itatatag ay isang independent at transparent na regulatory body na siyang sisilip sa singil at lagay ng energy sector sa bansa.


Mula sa limang commissioners ay inirekomenda na gawing siyam ang commissioners sa ilalim ng PPC na may iba’t-ibang specialization sa law, engineering, accountancy at economics.

Sa ganitong paraan aniya ay madaling masosolusyunan ang problema sa quorum tuwing may biglang bakante sa komisyon gayundin ay mababawasan ang workload dahil magtutuloy-tuloy ang kanilang trabaho.
Mas mabibigyang pansin na din aniya ang mga kaso at problema.

Facebook Comments