DADAGDAGAN | Multa sa bawat paglabag sa traffic violation, tataasan ng MMDA simula sa Enero

Manila, Philippines – Tuloy na sa Enero a-siyete ang crackdown ng MMDA sa mga pasaway na motorista sa kalsada.

Una rito, binawi ng MMDA ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa mga traffic violators na nakatakda sana kahapon, December 19.

Paliwanag ni MMDA Spokesperson Celine Pialago – may mga inaayos pa sila sa gagamiting sistema para sa paniningil ng multa.


Sa abiso ng MMDA – mula sa kasalukuyang P200 multa para sa illegal parking, gagawin itong P1,000.

Magiging P2,000 naman ang multa para sa mga unattended vehicles mula sa kasalukuyang P500 habang magiging P1,000 na rin ang multa para sa traffic obstruction mula P500.

Pati mga private vehicles na nakaparada sa tapat ng bahay, pasok sa violation, maliban ang nasa loob ng mga private subdivision.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia – may mga ordinansa kasi ang mga local government unit na pinapayagan ang one-side parking.

Pero aniya, hindi ito lisensya sa mga barangay na mag-imbento ng sarili nilang paid-parking areas.

Kung hindi man mabawasan ang 30,280 illegal parking violations na naitala noong nakaraang taon, kikita naman daw ang mmda ng hindi bababa sa 75-million pesos mula sa mga makokolektang multa.

Facebook Comments