DADALAW | PRRD, biyaheng Negros Occidental at CamSur ngayong araw

Dadalawin ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng 9 na sugar workers na napatay sa Sagay City Negros Occidental.

Batay sa official schedule ni Pangulong Duterte ngayong araw ay inaasahang tanghali ay dadalawin ng Pangulo ang burol ng mga napatay kung saan inaasahang bibigyan din ng tulong ng pamahalaan ang pamilya ng mga biktima.

Pagkatapos ay dadalaw din si Pangulong Duterte sa mga pulis na nasugatan sa operasyon sa Naga City Camarines Sur at ang burol ni PO1 Ralph Jason Vida sa kaparehong lungsod.


Si Vida ay isa sa 3 pulis na napatay sa ambush sa Lupi Camarines Sur noong nakaraang linggo.

Facebook Comments