DADALO | Dating Pangulong Ramos, sisipot sa anibersaryo ng EDSA People Power

Manila, Philippines – Tiniyak ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos ang kanyang presensya sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power sa darating na araw ng Linggo, February 25.

Si Ramos kasama sina Senator Gringo Honasan, dating DILG Secretary Raffy Alunan, dating Executive Secretary Eduardo Ermita, MMDA Chairman Danilo Lim at iba pang mga opisyal ay nag alay ng bulaklak sa tomb of the unknown soldiers sa Libingan ng mga Bayani kanina kaugnay ng nalalapit na anibersaryo ng EDSA People Power.

Mahalaga ang araw na ito sa kasaysayan dahil noong February 22, 1986 naganap ang “break away” kung saan binawi ni Senator Juan Ponce Enrile na noon ay Defense Minister at dating Pangulong Ramos na noon ay pinuno ng Philippine Constabulary ang suporta sa rehimeng Marcos.


Ayon kay Ramos magkakaroon ng makasaysayang salubungan kung kaya’t sisipot siya sa Biyernes.

Darating din aniya si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hinihikayat ng dating Punong Ehekutibo na lumahok ang lahat sa EDSA People Power Anniversary.

Facebook Comments